BEIJING (AP) — Sarado ang mga paraalan at mas tahimik ang mga kalye sa rush-hour kaysa karaniwan sa pagdeklara ng Beijing ng unang red alert dahil sa smog noong Martes, isinara ang maraming pabrika at nagpatupad ng mga limitasyon upang maalis sa mga kalsada ang kalahati ng mga sasakyan sa lungsod.

Ang alerto na epektibo hanggang sa Huwebes – ang pinakaseryosong babala sa four-tier system na pinagtibay noong 2013 – ay nangangahulugan na tinaya ng mga awtoridad ang tatlong makakasunod na matinding smog.

Sa ilalim ng alerto, pinapayuhan ang mga paaralan na boluntaryong magsara maliban kung mayroon silang magandang air filtration systems. Gayunman, naglabas ng hiwalay na pahayag ang Beijing education commission na inuutusan ang lahat ng paaralan na magsara hanggang sa Huwebes.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina