Isang pastora ang namatay makaraang hindi makalabas sa banyo ng simbahan na nasunog dahil sa napabayaang kandila sa Davao City, iniulat ng pulisya kahapon.

Sumiklab ang sunog dakong 11:00 ng gabi nitong Linggo sa isang simbahan sa Barangay 37-D, Purok 6, Davao City.

Nakilala ang biktimang si Nova Nuez, 25, youth pastor ng Ocean Life Ministries, at residente ng La Paz, Agusan del Sur.

Sa imbestigasyon ng Davao City Fire Protection Office, napabayaan ng kasama ni Nuez na si Pastor Lo Franco na nakasindi ang dalawang kandila sa loob ng simbahan dahil brownout noon sa siyudad.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinasabing umalis sandal si Lo para kumain ng hapunan at pagbalik nito ay nasusunog na ang simbahan.

Hindi na umano nakalabas ang biktima sa banyo dahil walang fire exit ang nasabing simbahan.

Aabot sa P500,000 ang halaga ng pinsala ng sunog. (Fer Taboy)