Isa na namang preso sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang sinaksak hanggang mamatay noong Lunes ng umaga.

Batay sa incident report, kinilala ang biktima na si Felicito Braga na idineklarang dead on arrival sa NBP Hospital. Ang salarin ay ang kanyang pinsan na si Jonathan Braga.

Nangyari ang insidente sa Dorm 12-B dakong 1 a.m. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay.

Tatlong stabbing incident na ang naganap sa loob ng Maximum Security Compound sa fourth quarter ng taong ito.

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

(PNA)