Gagastos ang gobyerno ng mahigit P1 bilyon para bumili ng night fighting system (NFS) upang higit na palakasin ang kakayahan ng Philippine Army.

Isang invitation to bid ang nilagdaan ni Assistant Secretary Ernesto D. Boac, chairman ng Department of National Defense-Bids and Awards Committee (DND-BAC), na nagpapakita na P1.116 bilyon ang inilaan para bumili ng 4,464 na set ng mga bagong NFS.

Sa pamamagitan nito, mapapahusay sa kakayahan ng Army sa paglaban sa gabi o sa low light environment, dahil ang NFS ay kinabibilangan ng night vision monocular, infrared aiming device, at laser-zeroing device.

Sinabi ng DND-BAC na kailangang i-deliver ng mananalong bidder ang mga kalakal sa loob ng 180 araw o anim na buwan.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Isang pre-bid conference ang itinakda sa Disyembre 10, 10:00 ng umaga, sa DND-BAC Conference Room sa Camp Gen. Emilio Aguinaldo.

Ang bid opening ay sa Disyembre 22, 10:00 ng umaga, sa parehong lugar. (Elena Aben)