Sinimulan ng OUE Singapore Slammers at host Philippine Mavericks ang ikalawang leg ng natatanging International Premier Tennis League (IPTL) sa maiigting na panalo upang agad magningning ang una sa tatlong laro na nakatakda sa Manila leg na ginaganap sa Mall Of Asia Arena.

Itinala ng Slammers ang 29-20 panalo kontra sa Legendari Japan Warriors habang binigo ng Mavericks ang UAE Royals, 29-18, sa laban na pinanood ng halos mapuno ng mga tagasuporta ng koponan ng Pilipinas.

Mainit na tinanggap ng tennis fans ang pagbabalik sa bansa ng torneo na suportado at kinilala bilang Coca-Cola IPTL para makita ang kanilang mga hinahangaan dating kampeon, papaangat pa lamang at kasalukuyang mga aktibo at naghahangad na maging kampeon sa buong mundo.

Nagwagi sa panimulang laro ang OUE Singapore Slammers sa pagtatala ng 29-20 kontra sa Japan Warriors, kung saan ang itinala nitong abante ay inaasahang makatutulong dito para umangat sa league standings. Patuloy naman mailap ang panalo para sa Legendari Japan Warriors simula pa sa unang leg sa Kobe, Japan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Buong puwersa namang nagpakitang gilas ang Philippine Mavericks na pinanuod ng maraming tagahanga sa Mall of Asia Arena kung saan mahirap malaman kung sinong manlalaro ang nakakuha ng pinakamalakas na ingay bilang pagtanggap pagpasok sa court sa tulong ni player-coach Treat Huey o ang pagkahenyo ni Serena Williams.

Sa kanilang unang laro sa homecourt ay tinapos ng Mavericks ang laban sa matinding 29-18 panalo kontra sa UAE Royals, para sa ikalawang sunod na panalo at unang home win para sa kanilang mga tagasuporta.

Unang sumagupa si Team captain Mark Philippoussis sa Legends division kung saan nagwagi ito sa toss at siyang nag-serve tungo sa pagwawagi sa 1st set, 6-2, sa loob lamang ng 24-minuto para sa home fans.

Tinalo naman sa men’s singles ng matangkad na si Milos Raonic ang nakatapat na si Tomas Berdych, 6-4, upang bigyan ang Mavericks ng 2 set na abante.

Ikinasiya naman ng mga nanood ang mixed doubles nina home star Treat Huey at Serena Williams na nagpares kontra kina Nestor/Mladenovic.

Ito ay matapos mapanood ang ilang cross-court backhands at straight-line passes mula kina Huey/Williams sa set na nagtabla sa 5-5, bago isinagawa ang shoot-out na nagtabla din sa 6-6. Kinailangan ang sudden death na nagbigay naman ng abante sa Royals upang makuha ang ikatlong set, 6-5.

Dito natuon ang atensiyon sa women’s singles kung saan nagtapat sina Ana Ivanovic at Williams na kapwa hangad magwagi para sa isang matira-matibay na face-off.

Gayunman, maagang nagpakita ng mahusay na laro si Williams sa mixed doubles upang magwagi sa set, 6-3.

Ikinasiya din ang men’s doubles na kinakitaan ng mahusay na kalidad ng larong tennis mula sa pares ng French na sina Edouard Roger-Vassellin at Richard Gasquet. Ang kakaiba nitong desisyon sa shot-making ay tumalo naman kina Daniel Nestor at Tomas Berdych para sa iskor na 6-3 na ikaapat na panalo para sa home team sa Day 1.

“I really enjoy the format, and that’s why I’m here again! The crowd in Manila was great last year, and more so this year, it was wonderful walking out for the home team. I really enjoyed playing the mixed doubles with Treat today, we had our chances, and it was a really close match,”sabi lamang ni Williams. (ANGIE OREDO)