KIM AT XIAN_all you need is pag-ibig item copy

SINA Kris Aquino, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Kim Chiu, Xian Lim, Julia and Talia Concio, Bimby Aquino Yap, Ronaldo Valdez, Nova Villa, Pokwang at Derek Ramsay ang stellar line-up ng mga artista sa All You Need is Pag-Ibig – ang opisyal na entry ng Star Cinema, its ‘MerryGalo’ sa nalalapit na 41st Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre.

Ang All You Need is Pag-ibig ay isang heartwarming at romantic movie para sa buong pamilya na sinulat at idinirehe ni Antoinette Jadaone, kasama si Yoshe Dimen bilang co-writer. Ipinapakita ng pelikula ang iba’t ibang mukha ng pag-ibig at kasama na rin ang mga kumplikasyon at pagwawagi nito sa pamamagitan ng kawing-kawing na istorya ng mga tauhan nito na binigyang buhay ng ensemble cast.

Relatable ang All You Need is Pag-ibig dahil ipapakita nito ang magaganda at kamangha-manghang mga bagay na maaaring madiskubre sa iba’t ibang uri ng love – mula sa puppy love hanggang sa unrequited love; mula sa pagmamahal sa pamilya hanggang sa pag-ibig na inaasam-asam; at mula sa pag-ibig na naglaho hanggang sa pag-ibig na manhid.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ito ang follow-up movie na idinirehe ni Direk Tonet sa Star Cinema pagkatapos ng You’re My Boss na isa sa mga pinakapatok na pelikula ngayong 2015. Kilala si Direk Tonet bilang Blockbuster Hugot Director of the Philippines simula nang isulat at idirehe niya ang That Thing Called Tadhana noong 2014, ang highest grossing Filipino independent film of all time.

Pagkatapos naman ng back-to-back tagumpay sa second installment ng Feng Shui at ng Etiquette For Mistresses, All You Need Is Pag-ibig naman ang susunod na offering ni Kris.

Ito rin ang unang tambalan sa pelikula nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion na kilalang-kilala ngayon bilang Amorado at JodIan dahil sa napakalaking mainstream following ng kanilang mga papel bilang star-crossed lovers na sina Amor de Jesus-Powers at Eduardo Buenavista sa remake ng Pangako Sa ‘Yo.

Nagbabalik naman ang love team nina Kim Chiu at Xian Lim upang ibigay sa pelikula ang kanilang signature rom-com flavor. Ang All You Need is Pag-ibig din ang ikatlong proyekto ni Derek Ramsay sa ilalim ng Star Cinema ngayong taon matapos ang Ex With Benefits at Etiquette For Mistresses.

Tampok din sa All You Need is Pag-ibig si Pokwang, na napamahal sa milyun-milyong Pinoy dahil sa family-centric characters na kanyang ginampanan sa ilang hit movies ng Star Cinema; ang mga beteranong aktor na sina Ronaldo Valdez at Nova Villa; ang award-winning child actor na si Bimby Aquino-Yap; at ang child wonders na sina Julia and Talia, na kilala din bilang Concio Sisters.

Perfect family bonding movie ang All You Need is Pag-ibig ngayong Pasko dahil ipinagdirwiang nito ang kapangyarihan at iba’t ibang uri ng pag-ibig. Ipapaalala ng pelikula sa mga Pinoy na pag-ibig lamang ang maaaring magwagi laban sa maraming pagsubok at problema sa buhay.

Ipapalabas ang All You Need is Pag-ibig sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Disyembre 25.