Ang mga paborito sa opening day ng national finals sa 2015 BEST SBP Passerelle Twin Tournament na sinuportahan ng Milo ay nagbigay ng pahayag makaraang makaiskor ang La Salle Greenhills at Adamson University ng dalawang magkasunod na panalo sa kani-kanilang dibisyon upang mapabilis ang labanan para sa ibang koponan.

Sa Small Basketeers Philippines (SBP) division, nalagpasan ng La Salle Greenhills, ang matitigas na Ateneo de Iloilo, 70-61, at inilampaso ang Ateneo de Davao, 64-46, para sa ikalawa nitong magkasunod na panalo at magkaroon ng puwesto sa championship game.

Sa iba pang SBP games, ang champion ng Luzon na Berkeley School of Baguio at tinalo rin ang Ateneo de Davao, 55-43, subalit yumukod naman ito sa Ateneo de Iloilo, 50-64, upang makakuha ng two-way tie para pumangalawa sa Visayas champion sa 1-1.

Ang Ateneo de Iloilo (1-1) ay kinakailangan na talunin ang Ateneo de Davao (0-2) para sa slot sa championship dahil ang Berkeley (1-1) ay haharapin ang matapang na labanan sa pagsagupa nito sa LSGH (2-0) ang kauna-unahan nilang pagkatalo sa torneo. Samantalang ang LSGH ay ligtas na sa finals, ang pinaglalabanan nito ay para sa kalaban na bukas pa rin ang puwesto sa tatlong koponan na nasa must-win situation.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Passerelle division ay matagal nang all-Adamson show kung saan ang lahat ay lumalaban sa pangalawang puwesto.

Ang mga Metro Manila champion ay ibinasura ang Ateneo De Davao, 90-48, at ang Luzon champion Holy Angel University of Pampanga, 96-61, na nagpapahiwatig ng malakas na senyales at makumpirma bilang paborito at manalo sa lahat ng antas.

Nakarekober naman ang Ateneo de Davao at naka-iskor nang talunin nito ang Visayas champion Sun Yat Sen ng Iloilo, 70-66. Nauna rito, tinalo naman ng Sun Yat Sen ang Holy Angel, 80-50. Kinakailangan ng Sun Yat Sen (1-1) na talunin ang Adamson (2-0) upang makakuha ng puwesto sa finals, habang ang Ateneo de Davao (1-1) ay nagkaroon na ng puwesto sa championship sa huli nitong laban kontra Holy Angel (0-2).

Ang 2015 SBP Passerelle Twin Tournament national finals ang pinakahuli sa nationwide tournament para sa mga developmental age group. Ang mga kampeon sa iba’t-ibang rehiyon ay nakipag-isa na sa Baguio City makaraan ang provincial at regional championship na nauna nang natapos sa taong ito.