NGAYON ang Kadakilaan ng Immaculada Concepcion ng Pinagpalang Birheng Maria, ang pangunahing patron ng Pilipinas.

Maraming simbahan, shrine, at eskuwelahan, ang taglay ang titulo ng Pinagpalang Ina bilang kanilang patron at tagapanalangin. Sa Metro Manila pa lang, ang mga katedral sa Maynila, Cubao, at Pasig ay nagsasagisag sa Our Lady of the Immaculate Conception bilang kanilang patron. Gayundin ang mga katedral ng Malolos, Antipolo, Puerto Princesa, Roxas City, Urdaneta, at Boac. Ilang siyudad at bayan din sa bansa ang ipinangalan sa Immaculada Concepcion.

Ipinangalan sa kanya ang mga bayan ng Concepcion sa Tarlac, Romblon, at Iloilo, at mga distrito sa Marikina, Malabon, at Batangas City na pawang Concepcion din.

Ngayon din ang araw ng obligasyon para sa lahat ng Pilipinong Katoliko, na nangangahulugang ang lahat ay pinapayuhang makibahagi sa Eucharistic Celebration upang magpasalamat sa Panginoon sa pagbibigay sa atin kay Maria bilang ating ina at huwaran sa pagtalima kay Hesus.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang Immaculada Concepcion ni Maria ay isa sa mga opisyal na turo ni Maria na tinukoy ni Blessed Pope Pius IX noong 1854. Ipinoproklama ng aral: “The most Blessed Virgin Mary was, from the first moment of her conception, by a singular grace and privilege of almighty God and by virtue of the merits of Jesus Christ, Saviour of the human race, preserved immune from all stain of original sin.” Naniniwala ang Simbahan na inihanda ng Diyos si Maria, simula nang maging tao ito, upang maging ina ni Hesukristo. Ilang opisyal ng Simbahan ang tumawag kay Maria na “the first to be redeemed” dahil sa tradisyong ito.

Gayunman, ang selebrasyon ngayong araw ay hindi dapat na nakatuon lamang sa pagkatao ni Maria. Dapat na maunawaan natin kung paanong pinlano ng Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan at sa lahat ng nilikha mula sa pagkakasala at pagkamatay. Dahil sa pagmamahal sa atin ng Diyos, pinili Niya si Maria at pinuspos ng biyaya para sa isang dakilang misyon. Ang Immaculada Concepcion ni Maria ay malapit na iniuugnay sa pagiging ina niya kay Hesus, ang Anak at Diyos, ang tagapagligtas ng lahat. Ninais ng Diyos na ang ina ng kanyang Anak ay walang bahid ng kasalanan at malinis, kaya pinili niya at inihanda si Maria sa dakilang misyon na ito. Katuwang ng Diyos si Maria sa Kanyang banal na plano. Bukas-palad niyang inialok ang kanyang “fiat” sa imbitasyon ng Diyos.

Ngayon, sa ating pagdiriwang sa dakilang kapistahang ito sa ating liturgical calendar, purihin at pasalamatan natin ang Panginoon sa Kanyang kabutihan, katapatan, at pagmamahal. Sa pagnanais Niyang iligtas tayo sa pamamagitan ni Hesus, pinili at inihanda niya si Maria upang maging Kanyang ina. Sa pamamagitan ng fiat ni Maria—ang kanyang “oo” sa imbitasyon ng Diyos—dumating sa mundo si Hesus at naging tulad at nakasama natin.

Sana ay lagi siyang maging huwaran at ina sa atin. Nawa’y magsilbi siyang inspirasyon upang lahat tayo ay buong lugod din na tanggapin ang imbitasyon ng Diyos na makipagtulungan sa pagsasakatuparan ng Kanyang mga plano sa pagliligtas sa sangkatauhan at sa lahat ng nilikha. Sana ay lagi niya tayong gabayan sa ating paglalakbay patungo sa tahanan ng Ama. O, Maria na hindi kailanman nagkasala, ipanalangin mo kaming lumalapit sa iyo!