Madalian lang ang isinagawang tigil-pasada ang mga kasapi ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa tapat ng punong tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue, Quezon City, upang iprotesta ang ikinasang phase out ng 15-taong pampasaherong jeep.

Ganap na 6:00 ng umaga nang okupahin ng may 50 raliyista ang tatlong lane sa FTI Rotonda sa Taguig City bago tumuloy sa tanggapan ng LTFRB sa Quezon City.

Binatikos ng mga kasapi ng ACTO ang kautusan ng LTFRB na pag-phase out sa mga pampasaherong jeep na 15 taon na pataas.

Ikinonsidera ni ACTO National President Efren De Luna na “anti-poor” ang ikinasang polisya ng LTFRB.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ilang oras matapos isinagawa ang tigil-pasada ay bumiyahe rin ang mga driver ng jeepney.

Samantala nilinaw ni Atty. Ariel Inton, LTFRB board member, na ang pag-phase out sa mga lumang jeepney sa Enero 2016 ay hindi pa pinal, base na rin sa memorandum ng Department of Transportation and Communication (DoTC). (Jun Fabon)