JANINE copy

MASAYA at nagpasalamat si Janine Gutierrez na kasama niya ang kanyang Mommy Lotlot (de Leon) sa kanyang first movie na Buy Now, Die Later, entry ng Quantum Films Production para sa Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

“Kaya lang po, hindi kami magkakasama ni Mama sa eksena,” nakangiting wika ni Janine. “Gagampanan ko po kasi ang role ni Mama kapag bumabata siya, ang batang si Maita, sa episode naming ‘Kanti’. Pero okey na rin po iyon sa akin dahil magkasama naman kami sa shooting at nagbibigay siya sa akin ng ilang pointers.”

Mula sa script ni Allan Hapon at sa direksiyon ni Randolph Longjas ang horror-comedy movie na tinatampukan din nina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, John “Sweet” Lapus, Rayver Cruz, at TJ Trinidad. May kani-kanilang funny at scary story ang characters na magkikita-kita sa huli sa pamamagitan ni TJ as Santi.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nang tanungin tungkol sa paglipat sa ABS-CBN ng boyfriend niyang si Elmo Magalona, inamin ni Janine na may konting lungkot sa paghihiwalay nila as a love team, pero sinusuportahan daw nila ang isa’t isa. Ang mahalaga, buo pa rin ang relasyon nila, secured siya sa love sa kanya ni Elmo at ganoon din ito sa kanya. Kaya walang dapat alalahanin si Elmo.

“Madalas pa rin po kaming magkita, dahil mahilig kaming manood ng sine. Kapag may libre rin kaming oras, kahit hindi plinano, nag-a-out of town kami. Pero lately, hindi namin nagagawa iyon dahil pareho na kaming busy, may work na siya at ako naman, busy taping ng morning serye kong Dangwa sa GMA-7 with Mark Herras at Aljur Abrenica. May sinu-shooting din akong dalawang indie film, ang Lila with Enchong Dee na director namin si Gino Santos para sa Sinag Maynila Filmfest na ipalalabas sa March, 2016 at ang Dagsin na makakasama ko naman si Benjamin Alves na dinidirek ni Tato Magadia for Cinemalaya sa June, 2016.”

Pabirong tinanong si Janine kung hindi ba niya susundan si Elmo.

“Ay, may ganoon? Hindi po, two years pa ang contract ko sa GMA, I have no plans na lumipat, masaya ako sa GMA at hindi nila ako pinababayaan, sunud-sunod din ang projects na ibinibigay nila sa akin at no questions kapag kinukuha ako na gumawa ng movies. Kaya okey na iyon na nagkakaroon din ako ng chance na makatrabaho ang mga artista ng ibang network.” (Nora Calderon)