BAGHDAD (AFP) — Binigyang ng Iraq noong Linggo ang Turkey ng 48 oras para iurong ang puwersa nito na sinasabing illegal na pumasok sa bansa o mahaharap sa “all available options”, kabilang na ang alternatibo sa UN Security Council.

Sinabi ni Baghdad, sinisikap na ipahayag ang kanyang soberanya habang tumatanggap ng ayuda ng ibang bansa laban sa grupong Islamic State, na pumasok ang Turkish forces na armado ng mga tangke at artillery sa Iraq nang walang pahintulot.

Sinabi ni Turkish Prime Minister Ahmet Davutoglu sa liham sa kanyang Iraqi counterpart Haider al-Abadi na walang deployment of forces hanggang sa maayos ng Baghdad ang usapin.

Ngunit hindi malinaw ang kapalaran ng mga ipinadala na.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“In the absence of the withdrawal of these forces within 48 hours, Iraq has the right to use all available options,” kabilang na ang alternatibo sa Security Council, saad sa pahayag ni Abadi.

Pumasok ang Turkish forces “without the approval or knowledge of the Iraqi government,” ayon dito.