Mga Laro sa Martes (Dec. 9)

Marikina Sports Center

7:00 p.m.

Philippine Christian University vs Sta Lucia Land Inc.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

8:30 p.m.

Hobe Bihon-Cars Unlimited vs Far Eastern University-NRMF

Team Standings (semis):

Hobe (1-0); FEU-NRMF (1-0);

Sta Lucia (0-1); PCU (0-1)

Agad na nagposte ng panalo ang Hobe Bihon-Cars Unlimited at Far Eastern University (FEU) -NRMF sa pagsisimula ng single round-robin semifinals ng 5th DELeague Basketball Tournament Linggo ng gabi sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Binigo ng Hobe Bihon-Cars Unlimited ang Philippine Christian University (PCU), 89-80, habang nagpatuloy naman ang winning streak ng Far Eastern University(FEU)-NRMF sa paghugot ng 92-83 panalo laban sa Sta. Lucia Land Inc.

Gumawa ng 22-puntos at 12 rebound si Wayne Schism at nagdagdag ng 16-puntos at walong rebound si Gandry Sanjo para sa Hobe na tinalo ang Metro Pacific Toll Corporation, 80-63, noong Sabado para makapasok sa semis.

Umiskor naman ng 22-puntos si Von Tambeling at 20-puntos si Mike Ayonayon 20-puntos para sa PCU Dolphins.

Samantala, nagtala ng 17-puntos si Taylor Stratham at nag-ambag ng 14-puntos at 15 rebound si Bright Akhuetie para sa FEU Tamaraws na nabigyan ng outright berth sa Final Four matapos na magtala ng 5-0 record sa elimination round.

Ang Realtors naman ay pinamunuan nina Karim Abdul na may 15-puntos at walong rebound at Mike Tolomia na may 14-puntos.

Magpapatuloy ang semifinal round ng ligang sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA -Marivalley, Angels Burger, Mckies Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at nina Mr. and Mrs. Dot Escalona sa Martes sa pagsagupa ng PCU at Sta. Lucia ganap na alas-7 ng gabi at ng Hobe Bihon at FEU-NRMF dakong 8:30 ng gabi.

Ang koponan na makapagtala ng tatlong panalo sa semis ay mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage sa finals. Sakaling walang koponan ang makaka-sweep sa final four ay magsasagupa sa isang best-of-three series ang top two teams sa semis.

Mabibili ang ticket sa halagang P10 lamang. Para sa resulta ng mga laro maaaring bisita hin angwww.sports29.com.

(Angie Oredo)