Nangangamba ang Commission on Elections (Comelec) sa posibilidad na maipagpaliban ang halalan sa Mayo 9, 2016 kung hindi babawiin ng Korte Suprema ang ipinalabas nitong temporary restraining order (TRO) laban sa “No Bio, No Boto” policy ng poll body.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, malaki ang naging epekto ng naturang TRO sa paghahanda nila para sa halalan.

Paliwanag niya, may “domino effect” sa kanilang election preparations ang TRO dahil magkakaugnay ang ginagawa nilang paghahanda para sa eleksiyon, kaya isa man lang dito ang matigil ang maaapektuhan ang lahat ng kanilang ginagawa.

Kasabay nito, tiniyak ni Bautista na ginagawa ng Comelec ang lahat upang makatupad sa kanilang deadline, ngunit kung mabibigo sila ay wala silang magagawa kundi i-postpone ang eleksiyon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We are doing everything we can to meet our deadlines but if we cannot meet them, what can we do? We may have to postpone the elections. But that will be chaos,” babala ni Bautista.

Kasabay nito, kinuwestiyon din ng poll chief ang timing ng paglalabas ng TRO dahil may isang taon at anim na buwan na nilang ipinatutupad ang polisiya.

Aniya, bago nag-isyu ng TRO ay dapat na binigyan muna ng Korte Suprema ng pagkakataon ang Comelec na magpaliwanag.

“The problem is that we are now in limbo on what to do with the 2.4 million no bio voters. The project of precincts (the precinct assignment of voters) is scheduled on December 15,” aniya.

Magsusumite ang Comelec ng komento sa Korte Suprema bago ang palugit sa Disyembre 11 upang hilingin na bawiin ang TRO at ipaliwanag kung paanong magiging malaking problema ito sa eleksiyon sa susunod na taon. (MARY ANN SANTIAGO)