MARIAN, BABY Z AT DINGDONG copy

SERYOSO talaga si Dingdong Dantes sa kanyang advocacy na maipabatid sa lahat ang nakaambang panganib dulot ng climate change.

Pagkatapos iwanan pansamantala ang kanyang mag-inang sina Marian Rivera at Baby Letizia para um-attend ng Climate Change Forum sa Paris last week, pagbalik ay inasikaso naman niya ang produksiyon, sa pamamagitan ng kanyang Agosto 2 Productions katulong ang GMA Network, ng isang documentary tungkol dito -- ang 2 Degrees Panahon Na - kasama si Jiggy Manicad at isa pang ama na sinalanta ng bagyong Yolanda two years ago sa Visayas.

Pero hindi lamang ang epekto ng mga bagyo ang ipinakita nila kundi maging ang kasalukuyang pinagdaraanan nating natural calamity na El Niño, na kung hindi magagawan ng paraan ang kakulangan sa tubig ay mauuwi naman ito sa kawalan ng food supply dahil hindi makapagtatanim ang ating mga magsasaka.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Sana sa ating ipinakitang epekto ng climate change, nalaman natin ang pressing need para sama-sama tayo sa pag-take action hindi lamang sa ating kapaligiran ngayon kundi sa mga darating pang panahon,” sabi ni Dingdong sa documentary na ipinalabas last Sunday sa SNBO ng GMA-7. “Paghahanda na rin natin ito para sa ating mga anak at mga kabataan.

Nagsikap po kami sa National Youth Commission at sa #NowPH para marinig ang ating panawagan sa buong mundo sa pamamagitan ng Climate Change Forum sa Paris.”

Tiyak na ikinatuwa ng televiewers, lalo na ng DongYan fans na sa documentary unang ipinakita ni Dingdong na kalong-kalong niya ang anak nila ni Marian. Iyon ang first TV appearance ni Baby Letizia simula nang isilang noong November 23. 

Isa rin si Marian sa mga nagbigay ng message at suporta sa #NowPH, gayundin ang iba pang Kapuso stars na sina Alden Richards, Jake Vargas, Derrick Monasterio, at Julie Anne San Jose.

Pagkatapos ng messages, ipinakita ni Dingdong na magkasama na sila nina Marian at Baby Letizia na sa picture ay lagi ring nakangiti tulad ng kanyang ina. (NORA CALDERON)