Pinakakasuhan sa Sandiganbayan ang alkalde ng Basilan, pati na ang treasurer nito, dahil sa hindi umano pagre-remit ng kontribusyon ng mga kawani ng munsipyo sa Government Service Insurance System (GSIS) at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) noong 2007.

Sa rekomendasyon ng Office of the Ombudsman, pinakakasuhan si Sumisip Mayor Haber Amin Asarul ng paglabag sa GSIS Act (20 counts), Home Development Mutual Fund Law (19 counts), at National Internal Revenue Code (23 counts).

Bukod dito, hindi rin umano ibinayad ng dalawang opisyal ang mga buwis na kinaltas sa sahod ng mga empleyado ng munisipyo.

Tinukoy ng Ombudsman ang pagkabigo ng munisipyo na i-remit ang GSIS contributions ng mga empleyado mula Oktubre 2007 hanggang Mayo 2008. Ang kontribusyon naman mula Hunyo 2008 hanggang Mayo 2009 ay naantala rin ang pagbabayad.  

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

 

“As regards the PAG-IBIG contributions, Asarul and Borjal delayed the remittance for the period October 2007 to January 2009, and from March 2009 to May 2009. Under P.D. No. 1752, employers must remit contributions within 15 days from the date the contributions were collected. Remittance of taxes withheld from July 2007 to May 2009 was also delayed,” ayon sa Ombudsman.

Ipinaliwanag ng anti-graft agency na sa ilalim ng RA 8291, inaatasan ang mga employer na i-remit ang GSIS contributions bago o pagsapit ng unang araw ng sumunod na buwan.

Hiniling na rin ng Ombudsman sa Commission on Audit (CoA)-ARMM na magsagawa ng special audit sa cash accounts ng Sumisip mula Hulyo 7 hanggang Hunyo 2009. (Rommel P. Tabbad)