SA liturgical calendar ng Simbahang Katoliko, ang ika-8 ng Disyembre ay isang natatangi at mahalagang araw bilang kapistahan ng Immaculada Concepcion o Immaculate Conception-- ang Patroness ng iniibig nating Pilipinas na tinawag na “Pueblo Amante de Maria” o bansang minahal ni Maria.

Ang nabanggit na kapistahan ay ipinagdiriwang ng mga Katoliko sa buong daigdig. Ang mga Pilipino ay may espesyal na debosyon sa Immaculada Concepcion, isa sa dalawang kilalang tawag na pagpaparangal kay Birheng Maria, na ang isa ay Our Lady of the Holy Rosary.

Isang holy day of obligation sa mga Katoliko ang kapistahan ng Immaculada, at tradisyon na ang pagsisimba. Ang pananalangin sa Immaculada Concepcion ay nagsimula noong Pebrero 6, 1578 nang iniutos ni Pope Gregory XIII na ang Manila Cathedral sa Intramuros ay dapat itayo sa ilalim ng tawag na “Shrine of the Immaculate Conception”.

Bahagi ng kapistahan, nagdaraos ng mga misa sa mga simbahan. May prusisyon din, tampok ang mga imahen ng Immaculada Concepcion, at nakikibahagi ang mga mag-aaral, miyembro ng iba’t ibang religious organization at deboto ng Birheng Maria. Sa Intramuros, bahagi ng selebrasyon ang Grand Marian procession nitong Linggo, na mahigit ‘sanlibong imahen ng Mahal na Birhen ang iprinusisyon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa kasaysayan, nagsimula ang pagdiriwang ng kapistahan noong ikasiyam na siglo. Pinalaganap ito sa daigdig ni Papa Sixto IV noong 1476, at nang sumapit ang Disyembre 8, 1854, sa harap ng may 54 na Cardinal, 42 Arsobispo, 92 Obispo at hindi mabilang na deboto mula sa iba’t ibang panig ng mundo, nilinaw at ipinaliwanag ni Pope Pius IX ang teaching ng Kalins-linisang Paglilihi kay Maria. Ipinahayag na si Maria, sa kabila ng pagiging ina ni Kristo ay nanatiling ligtas sa orihinal na kasalanan sa simula pa ng kanyang buhay, isang kathambuhay ng mapanubos na pag-ibig at talino ng Diyos. Ang Immaculada Concepcion ay pagdiriwang ng pagbibigay-dangal sa lahi ng ‘sangkatauhan. Si Maria ang ispirituwal na ina ng lahat ng tao.

Ayon naman sa sinulat ni Pope Paul VI na “Marialis Cultus”(Culture of Mary), si Maria ay minahal ng Diyos para sa kapakanan at kabutihan ng tao.

Naragdagan ang kahalagahan ng dogma ng Immaculate Conception sa aparisyon ng Our Lady of Lourdes noong Pebrero 11, 1858 kay St. Bernadette.

Ngayong Disyembre 8 ay nagdiriwang ng kapistahan ang Antipolo City sa Rizal, Naic sa Cavite, Pasig City, Malabon City at Concepcion sa Marikina City, Concepcion sa Tarlac, at iba pang bayan na ang patron ay ang Birhen ng Immaculada Concepcion.

Bukod dito, ipinagdiriwang din ng mga bansang Katoliko, gaya ng Spain, Portugal, at Brazil, ang Imamaculada Concepcion bilang patronal feast, habang prime national holiday naman sa Argentina, East Timor, Italy, Monaco, at Peru. (CLEMEN BAUTISTA)