Pitong katao ang nasugatan habang aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang matupok ang 15 bahay sa West Crame sa San Juan City, nitong Linggo ng madaling araw.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital sina Teresa Tongol, 83 anyos; Corazon Tolentino, 79; Oscar Tolentino, 69; Jane Malong, 20; Daniel dela Cruz, 35; at Fire Officers 1 Junjay Parma at Lyndon Aguilar.

Ayon Fire Officer Elna Mars, ng San Juan City Fire Station, nagsimula ang sunog pasado 2:00 ng umaga sa bahay ng isang Buboy Ocampo makaraang maghagis ng molotov bomb ang dalawang lalaki.

Umabot sa ikaapat na alarma ang apoy, na tumupok sa ari-arian na aabot sa P200,000 ang halaga.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Kasalukuyang inaaruga ng pamahalaang lungsod at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pamilyang nasunugan na pansamantalang tumutuloy sa isang simbahan. (Mac Cabreros)