VATICAN CITY (AFP) — Ilulunsad ni Pope Francis ngayong linggo ang isang “extraordinary” Roman Catholic Jubilee sa temang mercy o awa na sa panahong ito papayagan ang mga pari na patawarin ang kababaihang nagpalaglag.

Sa huling incarnation ng 700-taong tradisyon ng Simbahang Katoliko, mamarkahan ngayong Martes ang pagsisimula ng banal na panahon ng pagpapahayag na hinihikayat ang mga mananampalataya na magbalik-loob sa Diyos at humingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan.

“The greater the sin, the greater the love the Church must express,” sabi ng Argentinian pontiff nang ianunsiyo niya ang extraordinary Jubilee noong Marso sa ikalawang anibersaryo ng kanyang pagkakahalal.

Tatagal ang jubilee hanggang sa Nobyembre 20, 2016.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture