Kinuha ng Ateneo de Manila University ang serbisyo ni national team head coach Tab Baldwin bilang bagong head coach ng Blue Eagles.

Sa isang ulat, sinabi na tinanggap umano ni Baldwin ang one-year deal upang maging coach ng Blue Eagles. Subalit nasa negosasyon pa umano ang pag-uusap na ito na nasa 80 porsyento nang tapos.

Kapag pormal nang tinanggap ni Baldwin ang puwesto, papalitan nito si Bo Perasol na namuno sa Ateneo sa dalawang Final Four appearances sa kanyang tatlong season bilang head coach.

Nagpahiwatig na si Persol bago pa man matapos ang UAAP Season 78 na kinakailangan na niyang umalis bilang coach ng Ateneo.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagtapos ang Blue Eagles sa ikatlong puwesto sa katatapos pa lamang na UAAP Season 78 men’s basketball tournament, na natanggal ang koponan sa Final Four at nasungkit ng Far Eastern University (FEU) ang kampeonato.

Si Baldwin ay naging coach ng Gilas Pilipinas national team at nakamit ang silver medal sa 2015 FIBA Asia Championship, matapos na talunin ang Gilas ng China sa final.

Si Baldwin din ang inaasahang magiging coach ng national team na makikipag-tunggali sa Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo 2016. - ABS-CBN Sports