Angelia Ong
Angelia Ong

Ni ROBERT R. REQUINTINA

Nagtala ng back-to-back win ang Pilipinas sa Miss Earth beauty pageant!

Ito ay matapos na koronahan si Miss Earth-Philippines Angelia Ong bilang Miss Earth 2015 sa televised pageant na ginanap sa Vienna, Austria nitong Sabado ng gabi (Linggo ng madaling araw sa Pilipinas).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Miss Earth 2014 Jamie Herrell, ng Cebu City, ang nagputong ng korona kay Ong, 25, matapos talunin ng huli ang 85 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa environment-driven beauty pageant.

Ang Filipino-Chinese beauty queen ay estudyante ng marketing management sa De La Salle-College of St. Benilde sa Taft Avenue sa Maynila na nais isulong ang eco-tourism upang maisalba ang planeta at lumikha ng mga trabaho at kita para sa mamamayan.

Sa question and answer portion ng patimpalak, hiniling kay Ong ang isang akmang slogan para sa susunod na 15 taon ng Miss Earth. Ang isinagot niya: “We will, because we can.”

Paliwanag pa ni Ong: “I want to let everybody know that all things are possible and all things are feasible if we work together. We will, because we can.”

Si Dayana Grageda, ng Australia, ang itinanghal na Miss Earth-Air; si Britanny Payne, ng USA, ang Miss Earth-Water; at si Thiessa Sickert, ng Brazil, ang Miss Earth-Fire.

Nanalo naman ng special awards ang Mongolia, Miss Photogenic; Colombia, Best In Swimsuit; at Austria, Darling of the Press.

Pasok din sa Top 16 ang mga kandidata mula sa Austria, Chile, Colombia, Venezuela, Czech Republic, France, Guam, Hungary, Mauritius, Mongolia, Scotland, at Ukraine.

Ito ang ikatlong beses na nanalo ang Pilipinas sa 15-anyos na beauty contest. Ang unang winner ay si Karla Henry, na Miss Earth 2008.

ADBOKASIYA

“My advocacy is restoration, reforestation, and minimizing carbon footprints through eco-tourism. Educating them on how we can minimize carbon footprints in our own simple ways and how we can consistently maintain reforestation and restoration projects would definitely get a long way,” sabi ni Ong.

Naniniwala rin si Ong na ang pagiging Miss Philippines Earth 2015 niya ang perpektong paraan upang maipahayag niya ang kanyang sarili at ang kanyang mga adbokasiya.

“I feel that there are so many things to do to save our planet. The crown, aside from all the prestige that comes with it, will empower me to empower others to get up and so something about dying planet,” ani Ong.

“It will give me the authority and legitimacy to inspire people on a personal level and up to encouraging them not to take Mother Earth for granted,” dagdag ni Ong, na sumali rin sa Bb. Pilipinas 2011, na napalunan ni Shamcey Supsup.

Noong nakaraang taon, second runner-up naman si Ong sa Miss Manila beauty contest.