Pormal nang sisimulan ng Archdiocese of Manila sa Miyerkules, Disyembre 9, ang paggunita sa Jubilee of Mercy, at si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mangunguna sa pagbubukas sa Holy Door ng Manila Cathedral sa Intramuros, sa ganap na 3:00 ng hapon.

Makakasama ni Tagle sa ceremonial opening ng Holy Door ang mahihirap at mga may kapansanan.

Kaugnay nito, nanawagan ang Cardinal sa mga mananampalataya na bukod sa pagpasok sa Holy Doors ng mga cathedral at basilica ay dapat din silang pumasok sa mga pintuan ng kawanggawa para sa mga ulila, bilanggo at may sakit.

Bubuksan din ang Holy Doors sa apat na Jubilee churches: National Shrine of the Sacred Heart sa Makati, sa Disyembre 11, 3:00 ng hapon; Santuario de Santo Cristo sa San Juan City, Disyembre 12, 5:30 ng hapon; Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy sa Mandaluyong; at Our Lady of Sorrows Parish Church sa Pasay, na sabay na bubuksan sa Disyembre 13, 5:30 ng hapon. - Mary Ann Santiago
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'