Arjo Atayde
Arjo Atayde
GULAT na gulat si Arjo Atayde nang malaman niyang kahanay siyang nominado nina Coco Martin, Alex Medina, Matt Evans, Edgar Allan Guzman, Mike Tan at John Lloyd Cruz sa Best Single Performance by an Actor sa katatapos na PMPC Star Awards for TV.

Ang nasabing kategorya ay pinanalunan ni Lloydie nitong nakaraang linggo sa awarding rites na ginanap sa Kia Theater.

Hindi na nag-expect ang binata na siya ang mananalo nang malaman niya kung sinu-sino ang mga katunggali niya dahil siya naman talaga ang pinakabago pero itinuturing niyang malaking karangalan na na-nominate din siya.

“Nomination is enough na, okay na ’yun,” say ng kontrabida ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano nang makatsikahan namin kamakailan sa bahay nila.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Tatlong awards na ang nai-uwi ni Arjo mula sa PMPC Star Awards simula nang mag-artista siya. Una bilang Best New Male TV Personality noong 2013, sinundan ng Best Drama Supporting Actor for Dugong Buhay ng 2013, at Best Single Performance by an Actor para sa “Dos por Dos” episode ng Maalaala Mo Kaya noong 2014.

In fairness, tatlong magkakasunod na taong winner si Arjo.

Mahusay din ang performance niya sa Ang Probinsyano kaya nakasisiguro kami na mapapansin siya ulit ng award-giving body sa 2016.

Samantala, hindi ikinaila ni Arjo na lahat ng natutuhan niya sa pag-arte simula sa mga seryeng E-Boy, Dugong Buhay at Pure Love ay in-apply niya sa character niya ngayon sa Ang Probinsyano.

“‘Dami ko nang natutuhan, tita. Lahat ng itinuro sa akin dati, mula sa E-Boy hanggang ngayon, in-apply ko. Before kasi, I love my character sa E-Boy, I love my character sa Dugong Buhay, and then sa Pure Love, but learning from those three teleseryes, on my fourth I got to embrace it. There’s a big difference between loving your character and embracing it. Totally different, iba pala talaga. ’Pag na-embrace mo na at naniwala kang ikaw (ang karakter), wala na,” kuwento ni Arjo.

Anu-anong mga kasamaan pa ang gagawin niya bilang Joaquin sa serye nila ni Coco, dahil may nagkuwentong taga-Dreamscape sa amin na may mas matindi pa raw siyang ipapakitang tiyak na lalong ikagagalit ng viewers sa kanya.

“Actually, tita, I have no idea pa po, basta sabi lang maghanda, wala po akong alam pa, hindi pa sinasabi,” sagot ni Arjo.

Ikinuwento ni Arjo kung gaano kaganda ang samahan nilang lahat sa Ang Probinsyano sa tuwing matatapos kunan ang bawat eksena.

“’Yung napapanood mong galit na galit lahat, after the scene, tawanan kaming lahat as in, tita, lahat kami kulitan. Ang sarap nga kasi ang dami naming bloopers lalo na kapag madaling araw na, umaga na, ano pa ang ilalabas namin doon, siyempre matatawa na kaming lahat kaya panay ang ‘time out’ namin kasi nga talagang hindi magawang magseryoso,” masayang kuwento ng aktor. (Reggee Bonoan)