PAGE 16_Labang RoS vs SMB, file copy

Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

3 p.m. – Star vs Mahindra

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

5:15 p.m. – TNT vs Rain or Shine

Rain or Shine, tatabla sa San Miguel at Alaska.

Tatangkain ng Rain or Shine na tumabla sa pamumuno sa mga kasalukuyang lider Alaska at defending champion San Miguel Beer ng ngayong hapon kontra Talk ‘N Text sa tampok na laro sa nakatakdang double-header ng 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Taglay ang barahang 6-1, panalo-talo, nasa solong ikalawang posisyon ang Elasto Painters sa likod ng Aces at ng Beermen na angat sa kanila ng isang panalo sa hawak ng mga itong 7-1, panalo-talong baraha.

Ganap na 5:15 ng hapon, haharapin ng ROS ang TNT na hangad naman ay pumantay sa Globalport na kasalukuyang nasa ikaapat na puwesto taglay ang barahang 5-3, panalo-talo, para sa hinahabol nilang twice-to-beat incentive papasok ng quarterfinals.

Base sa format ngayong season opener, ang dalawang mangungunang team matapos ang eliminations ay awtomatikong papasok ng semis, ang susunod na walong teams ay sasabak sa two-phase quarterfinals kung saan ang papasok na No. 3 at No. 4 squad ay may bentaheng twice-to-beat habang ang dalawang koponan na maiiwan sa ilalim ay maagang magbabakasyon.

Mauuna rito, magtutuos naman ang Star at Mahindra sa pambungad na laban ganap na 3:00 ng hapon.

Magkabuhol sa ika-siyam na posisyon hawak ang parehas na barahang 2-6, panalo-talo, mag-uunahan ang dalawang koponan na makapagtala ng ikatlong panalo na bubuhay sa tsansa nilang umusad sa playoffs.

Sinumang mabigo sa dalawang koponan ay malalagay na ang isang paa sa hukay para sa tsansa nilang makahabol pa sa susunod na round.

Itataya ng Rain or Shine ang naitalang 3-game winning run sa pagsalang nila kontra Talk ‘N Text Tropang Texters na maghahangad namang makabalik sa winning track kasunod ng natamong 98-105 pagkabigo sa kamay ng Barako Bull, tatlong araw na ang nakalilipas.

Magkukumahog ang Hotshots na hanggang ngayon ay tila nangangapa pa rin sa run-and-gun style ng kanilang bagong coach na si Jason Webb para makabangon sa kinasadlakang apat na sunod na kabiguan habang magsisikap namang makabawi ng Enforcers sa natamong 86-102 na paggapi sa kanila ng Beermen.