Binuksan na sa trapiko noong Biyernes ang bagong tulay sa Congressional Avenue Extension sa Quezon City.

Tinapos ng Department of Public Works–National Capital Region ang P23 milyong tulay nang mas maaga kaysa orihinal na itinakdang pagbubukas nito sa Enero 2, 2016.

Ayon kay DPWH-NCR Director Melvin Navarro, ang 19.2 lineal meter bridge ay may tatlong lane na daanan papuntang silangan at dalawang westbound lane at ang natititrang inner lane ay makukumpleto sa Disyembre 15, 2015.

“All types of vehicle, including trucks that were previously prohibited to use the temporary Congressional Avenue Extension Bridge can now utilize the newly completed permanent bridge,” pahayag ni Navarro. (Mina Navarro)
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony