Sa sandaling hawiin na nito ang kanyang buhok, isa na itong senyales para sa kanyang katunggali na may magaganap na hindi nito magugustuhan.

Sa darating na Disyembre 11, nakatakdang makaharap ni Toquero ang Tsinong si Wu Ze sa isang 3-round matchup sa gaganaping ONE: SPIRIT OF CHAMPIONS sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Parte ang laban ng undercard sa pinakahihintay na salpukan sa heavyweight class sa pagitan nina Brandon “The Truth” Vera at Chi “Chopper” Lewis-Parry.

Regular na si ONE Championship’s deep flyweight division Toquero, at nagawa nitong mahati ang kanyang apat na laban para sa promotion.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagsimula siya sa ONE noong 2013 kung saan nakalasap siya ng unanimous decision loss sa kababayang si Geje Eustaquio. Ngunit nagawa naman niyang makabawi kontra sa Malaysian prospect na si Gianni Subba sa sumunod niyang laban.

Kasunod nito ay ginapi ng 125-pounder si Brianata Rosadhi noong Abril bago muling nabigo kay Asuka “Riku Shibuya” Mikami.

Sa sandaling suklayin ni Toquero ng kanyang kamay ang kanyang buhok, batid na ng kanyang mga fan na magiging maganda at kapana-panabik ang mga susunod na pangyayari.

Ngunit maliban sa paghawi ng buhok, may kapasidad din si Toquero na mabilis na palakasin ang kanyang mga atake na maliliksi at matitindi, “I have always been taught to put everything into my strikes. I like to come in fast and powerful,” ani Toquero.

“Finishing on the feet has always been my priority, because I think it produces the most exciting knockouts, but that’s just me. Being an MMA fighter though, you have to have a complete game. So even if I am most comfortable trading strikes, I believe I can also defend well on the ground.”

Gayunman, kilala ang dating celebrity MMA trainer sa kanyang “unorthodox striking" sa iba't-ibang anggulo at ang kanyang pamamaraan kung paano i-deliver ang mga ito.

Sa pagtatapos ng kanyang unang limang laban bilang professional mixed martial artist sa pamamagitan ng stoppage, si Toquero ay palagiang inaabangan na magpakita ng spectacular finishes sa kanyang mga laban.

“Hearing the crowd cheer and enjoy the show us fighters put on for fans is already a huge reward. To be in the position that I am in, competing in ONE Championship, is an accomplishment I am very proud of,” ani Toquero.

“The louder the crowd gets, the more pumped I am to fight on. It really kicks me into a whole new gear, and that translates into my striking output inside the cage.”

Higit sa kanyang kagustuhang mapasaya ang mga fan, mas hangad ni Toquero na makabalik sa winner’s circle sa pamamagitan ng paggapi kay Wu Ze.

Ngunit hindi madaling katunggali ang Chinese flyweight na isa namang "wild" at "unpredictable striking specialist". (MARIVIC AWITAN)