Hindi kailangang ipagpaliban ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) ang kanilang tradisyunal na Yuletide recess upang asikasuhin ang urgent cases, gaya ng kinasasangkutang disqualification cases ni Senator Grace Poe, tumatakbong pangulo sa halalan 2016.

Sinabi ni SC Spokesman Theodore O. Te na mayroong built-in procedures para sa SC na aksyunan ang mga very urgent case habang nakabakasyon ang mga miyembro nito.

Nagbigay ng halimbawa, sinabi ni Te na maaaring mag-isyu si Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno ng injunction gaya ng temporary restraining order (TRO) o a status quo ante order (SQAO) sa mga very urgent case sa rekomendasyon ng justice-in-charge sa kaso.

Ngunit ang anumang injunction na inilabas ng Chief Justice ay mangngailangan ng kumpirmasyon ng mayorya ng justices sa immediately preceding session.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nagkomento si Te sa suhestyon ni Senate President Franklin M. Drilon sa SC justices na ipagpaliban ang kanilang Christmas season recess upang maasikaso ang urgent election cases na maaaring iapela sa SC.

Inaasahan nang iaakyat sa SC ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na nagbabasura sa motion na i-reconsider ang desisyon nito na si Senator Poe ay natural born citizen at ang desisyon ng second division ng Commission on Elections (Comelec) –sa oras na katigan ng en banc ng poll body — na disqualified si Poe bilang presidential candidate dahil sa kakulangan ng 10-year residency requirement sa ilalim ng Constitution.

Sinabi ni Te na nakatakdang magbakasyon ang SC justices sa ikatlong linggo ng buwang ito at magbabalik ang mga session, kapwa sa division at full court levels, sa ikalawang linggo ng Enero.

Ang last full court session ng SC ngayong taon ay itinakda sa Martes, Disyembre 8, at magbabalik sa Enero 12 sa susunod na taon.

Ngunit una nang inanunsyo ng SC na nakatakda itong magpulong sa Disyembre 16 para talakayin ang mga petisyon sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). (REY G. PANALIGAN)