Aminado si five division world champion Floyd Mayweather Jr., na si dating pound-for-pound king Manny Pacquiao sa pinakamahusay na nakalaban niya sa halos 20- taon ng karera sa boksing.

May kartadang perpektong 49 panalo, 26 sa pamamagitan ng knockouts, napantayan ni Mayweather ang rekord ni dating undisputed heavyweight champion Rocky Marciano bago nagretiro.

Nang tanungin ng mga piling mamamahayag sa Moscow, Russia kung sino ang pinakamahusay na nakaharap niya sa loob ng ring, inamin ni Mayweather na pinakamahirap kalaban sa lahat si Pacquiao.

"I can say that none of them were easy," sabi ni Mayweather kay Gregory Stangrit ng Allboxing.ru. "Although I must say that Canelo was tough....Miguel Cotto [was tough]. Manny Pacquiao was very tough. Pacquiao is very good. He was better than I thought. "

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Binansagang “Fight of The Century” ang sagupaan nina Mayweather at Pacquiao nitong Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada kung saan nanalo sa puntos ang Amerikano sa sagupaang sumira sa lahat ng rekord pampinansiyal sa buong mundo kabilang ang 4.6 milyong pay-per-view hits.

Nakatakdang magbukas ng boxing school sa Russia si Mayweather at magdaraos ng isang araw na training session na dadaluhan ng 4,000 apisyonado para wasakin ang Guiness world record sa pinakamalaking group training session sa boksing. (GILBERT ESPEÑA)