Tutukuyin ng Commission on Elections (Comelec) sa Disyembre 14 ang order of listings sa balota ng mga party-list group na kalahok sa eleksiyon sa Mayo 2016.

Batay sa Comelec Resolution No. 10025, magsasagawa ng raffle ang Comelec para matukoy ang pagkakasunud-sunod ng pangalan ng mga party-list group sa official ballot na gagamitin sa halalan.

Nabatid na may kabuuang 185 party-list group ang makakasali sa raffle, kabilang ang 101 party-list, na ang aplikasyon ay naaprubahan na ng Comelec, gayundin ang 84 na party-list organization, na ang mga aplikasyon ay tinanggihan ng dibisyon ngunit may apela sa en banc.

Ayon naman sa Comelec, may walo pang grupo ang posibleng makasama sa raffle ngunit subject for resolution pa ang iba’t ibang usaping kinakaharap ng mga ito sa poll body.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Unang ipinakilala ng poll body ang raffle ng mga accredited party-list group sa eleksiyon noong 2013, para tukuyin ang order of listing ng mga party-list group sa official ballot.

Dati kasi ay gumagamit ng alphabetical order ang Comelec para sa pagkakasunud-sunod ng party-lists sa balota, ngunit karamihan sa mga ito ay gumagamit ng letrang A at numerong 1 para mauna ang pangalan sa listahan. (Mary Ann Santiago)