COTABATO CITY – Isang paring misyonero, na ilang taong naglingkod sa Sulu at nangangasiwa sa Oblates of Mary Immaculate (OMI) sa siyudad na ito, ang namatay sa aksidente sa national highway ng Matanao sa Davao del Sur, nitong Biyernes, iniulat kahapon ng Katolikong ndbcnews.com.ph.

Namatay si Fr. Jose Ante of the Oblates (OMI) habang ginagamot sa Sinawilan Medical Clinic sa Barangay Sinawingan, Matanao, dakong 9:30 ng umaga, iniulat ng nabanggit na website, batay sa ulat ng pulisya.

Minamaneho ni Ante ang kanyang asul na Isuzu Crosswind (LGG-776) patungong Davao City nang biglang sumabog ang harapang gulong ng sasakyan, hanggang sinalpok ng SUV ang isang van na may kargang karne, ayon sa pulisya.

Ang Isuzu Elf Chiller meat van (GTY-591) ay pag-aari ni Giovanni T. Zamora, ng Bansalan, Davao del Sur, at minamaneho ni Jonathan G. Amante, 41,ng Bansalan, Davao del Sur.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nangyari ang aksidente sa harap ng Matanao Police detachment sa Kilometer 70. (Ali G. Macabalang)