Si Korina kasama sina Mario Dumual, Gretchen Fulido at Ginger Conejero copy

MAAGANG nagpa-Christmas and Thanksgiving party sa entertainment press ang mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez na ginanap sa bagong Hotel Novotel, sa Araneta Center, Cubao noong Miyerkules ng gabi na may titulong Maligayang Paskong Matuwid.

Pinuri ni Mar ang kanyang maybahay dahil dalawang buwan daw nitong plinano ang event (kasama ang Rated K staff at publicist nitong si Chuck Gomez) para personal nilang mapasalamatan ang entertainment press na tumutulong sa kanila through the years.

Nakakatuwa na muling makita sa iisang lugar ang mga kasama ni Ate Koring sa TV Patrol na sina Mario Dumual, Gretchen Fulido at Ginger Conejero.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Bahagyang nagkuwento si Mar na kakilala na niya ang Manila Standard entertainment editor na si Isah Red maging noong investment banker pa lang siya at hindi pa niya pinapasok ang pulitika, kaya hindi lang si Ate Koring ang malapit sa showbiz press. Malugod siyang nagpasalamat sa extended na tulong sa pamamagitan ni Korina.

Simple lang ang party at maging ang mga ipina-raffle ay hindi rin ganoon kalalaking premyo, bagay na inasahan na ng mga nakakakilala sa mag-asawa na simple lang ayaw ng masyadong pabongga o maluho. Tama lang din, dahil mas marami ang taong mas nangangailangan ng kanilang tulong.

Hindi pinag-usapan ang tungkol sa pulitika pero nabanggit naman ni Korina ang tungkol sa mga kaliwa’t kanang batikos kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil iniintrigang tumanggap daw ng malaking halaga para suportahan si Mar.

Aniya, base sa survey ay 80% pa rin ang naniniwala sa KathNiel at 20% lang ang apektado o negatibo.

Ini-launch din nang gabing iyon ang music video na mala-station ID na komposisyon ng mga alaga ni Arnold Vegafria na sina Billy Crawford, Kris Lawrence at Jay-R. Napanood sa music video kung sinu-sino ang celebrities na susuporta kay Kuyang Mar na pinangunahan nga ng KathNiel, kasama sina Karylle, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Ramon Bautista, stand-up comedian Lassy, James Yap, Maricel Soriano at iba pa.

Nitong nakaraang Huwebes ng gabi naman, ipinalabas na ang interview ni Boy Abunda kay Mar kung ano ang mga pagbabagong gagawin nito kapag nahalal siyang presidente sa 2016.

Bago ang pinaka-main event na Rockkaoke sing-off contest, una munang naghandog ng awiting To Love Somebody si Mar ka-jamming sina Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, Quezon City 6th District Rep. Alfred Vargas na inialay din nila kina Mother Lily Monteverde at Ms Korina.

Kumanta rin si Ms Korina ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko at nagulat kami dahil maganda pala ang timbre ng boses ng Rated K host.

Hinihiritan ng isa pang awitin si Ate Koring pero umayaw na siya dahil gusto na nilang mapanood ang mga katotong sumali sa pakontes na sina Ronnie Carrasco, Leo Bukas, Dominic Rea, Francis Simeon, Ambet Nabus, Manay Letty Celi, Karen Pagsolingan at Mario Dumaual.

Ang saya-saya ng naging botohan kung sino ang dapat manalo sa pamamagitan ng palakpak, tabla sina Manay Letty at Mario sa grand winner pero nagparaya na ang huli kay Manay na iuwi ang premyo. (Reggee Bonoan)