Inanunsiyo na ng Adamson Falcons na ang dating sikat na basketbolistang si Franz Pumaren ang bagong coach ng koponan sa muling pagbabalik sa UAAP.

Si Pumaren ang pumalit kay Kenneth Duremdes na naging coach ng Falcons sa loob ng dalawang season.

Ipinahayag ng koponan na kailangan nila si Pumaren lalo pa at nagtapos sa huling puwesto ang Falcons sa katatapos pa lang na UAAP season.

Si Pumaren ay huling nag-coach noong 2014 sa Air 21 Express sa PBA sa loob ng tatlong season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naipanalo ng dating PBA player ang limang UAAP championships, kabilang na ang apat na magkakasunod na panalo sa 12 taong pagiging coach ng La Salle.

Kabilang sa kanyang mga coaching staff sa Adamson ang dating mga players na sina Don Allado at Ren-Ren Ritualo habang sina Mike Fermin, Jack Santiago at Tonichi Yturri ay magsisilbi namang assistant.

Tinatarget ni Pumaren ang kampeonato ng Soaring Falcons sa susunod na UAAP Season.

“You know I’m be a hypocrite if I say we’re not aiming for the championship. We are here to give Adamson a championship,” ani Pumaren sa isang press conference sa Adamson campus noong Biyernes. (ABS-CBN Sports)