Inihayag ng Malacañang noong Biyernes na nakatakdang dumating sina Japanese Emperor Akihito at Empress Michiko sa Pilipinas para sa limang araw na state visit sa susunod na buwan.

“The Philippines is pleased to receive Their Majesties, the Emperor and Empress of Japan, to a State Visit to the Philippines from January 26 to 30, 2016,” sabi ni Presidential spokesman Secretary Edwin Lacierda sa isang text message sa mga reporter.

Ayon kay Lacierda, ang state visit ay tugon sa matagal nang imbitasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa His/Her Majesty na bumisita sa Plipinas.

“Their Majesties last visited the Philippines in 1962 when they were then Crown Prince and Princess,” ani Lacierda.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Sinabi niya na ang paggunita sa 60th anniversary ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Japan sa 2016 ang magiging highlight ng state visit.

“The Philippine government and the Filipino people look forward to welcoming Their Majesties,” ani Lacierda. (PNA)