Ang host General Santos City at ang na Iligan City ay kapwa pinataob ang kanilang mga kalaban sa pagsisimula ng 3rd Manny Pacquiao Sports Challenge Mindanao basketball tournament sa Lagao gym noong Huwebes.

Ang Generals, na pinamunuan ni Dave Sagad, ay nagtala ng 48-43 sa halftime lead at hindi na ito bumalik pa para makaungos ang Davao del Sur, 104-87. Lubhang nag-enjoy ang The Generals sa 17-puntos na kalamangan, 77-60, sa kalagitnaan ng final half.

Gayunman, hindi pa rin naubusan ng pag-asa ang Davao del Sur at nagawa pa nitong makapuntos at mangalahati ang kalamangan ng 9-puntos, 90-81 sa last two minutes ng laban. Sina Antoni Timon at Jaypee Locsin, ay mabilis gumawa ng laro at nakapagtala ng kanilang back-to-back hits.

Nagtapos si Timon na mayroong 24-puntos habang si Locsin ay may 20. Sa kabilang banda, ang Iligan naman ay pinadama ang kanilang presensiya nang talunin nito ang Sarangani Province, 118-81, sa first game.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sumabog si Mark Alferez na nagtala ng 30-puntos habang si Perez at Eric Reuyan ay nagdagdag ng 26 at 12, ayon sa pagkakasunod.

Si Ryan Rosauro naman ang nanguna para sa Saranggani na nagtala ng 24-puntos kabilang na ang tatlong 3-pointers.

Mayroong apat na koponan na nakitang umaksiyon makaraan ang no-show ng Butuan City. Naglaro ang GenSan kontra Sarangani noong Biyernes habang ang Iligan naman ay naghanap ng pangalawang panalo laban sa Davao Sur.

Ang mga laro ay bahagi ng limang araw na taunang multi-sports competition na inorganisa ng Manny Pacquiao Sports Association (MPSA) at sinuportahan ng City Government ng General Santos sa pakikipagtulungan ng City Sports and Games Division. (PNA)