KINUMPIRMA ng manager ni Weiland na si Tom Vitorino sa The Associated Press ang pagkamatay ng dating Stone Temple Pilots frontman nitong Biyernes ng umaga. Sinabi ni Vitorino na nalaman niya ang tungkol sa pagkamatay ni Weiland sa tour manager nito ngunit hindi na umano nagbigay ng karagdagang detalye.
Nakatakdang magtanghal ang banda ni Weiland na Scott Weiland & the Wildabouts sa Medina, Minnesota, concert venue, ayon sa website ng nabanggit na venue. Nagpahayag ang website na kanselado na ang nakatakdang event. Pero hindi ito nagbigay ng dahilan.
Hindi nahingan ng komento ng AP ang mga local na awtoridad.
Sumikat si Weiland bilang lead singer ng Grammy Award-winning na Stone Temple Pilots, na ang mga hits ay kinabibilangan ng Interstate Love Song, Plush, at Vasoline.
Nabuwag ang nasabing banda noong 2003 at napunta si Weiland sa Velvet Revolver, na ang isa sa mga miyembro ay ang dating Guns N’ Roses guitarist na si Slash. Kabilang sa naging hits ng grupo ang Fall to Pieces.
The Stone Temple Pilots ay muling nabuo noong 2008 at muli ring nabuwag noong 2013. (AFP)