KAPANALIG, ang isyu ng climate change ay napakahalagang isyu sa mga bansa at isa na rito ang Pilipinas. Isa kasi tayo sa mga bansang pinakamaapektuhan sa mga pagbabagong dal nito.

Ang bansang tulad natin na archipelago, napapaligiran ng tubig, ay nanganganib sa climate change. Ayon sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong 2011, may mga ilang posibilidad na mangyari sa ating bansa. Ayon dito, ang mean temperatures sa lahat ng lugar sa bansa ay posibleng tumaas sa 0.9 °C hanggang 1.1 °C sa taong 2020 at 1.8 °C hanggang 2.2 °C sa taong 2050. Ano ba ang magiging epekto nito sa atin? Kapag nangyari ito, kapanalig, mas iinit ang lahat ng lugar sa ating bansa, lalo na pag summer.

Pagdating naman ng panahon ng tag-ulan, maaaring mas kumonti ito sa karaniwan kapag tag-init, ngunit sa mga lugar sa Luzon at Visayas, mas dadami naman ito sa pangkaraniwan, lalo na sa panahon ng southwest monsoon at northeast monsoon o habagat. Pero kapanalig, sa Mindanao, posibleng mas umikli ang panahon ng tag-ulan, lalo na’t pagdating ng taong 2050. Ang Mindano, kapanalig, ay highly agricultural, at ang ulan ay napakahalaga sa lugar na ito.

Ano ba ang implikasyon ng maaaring pagbabago sa init at ulan? Ang wet season natin ay magiging mas malubha at ang tag-init natin ay mas magiging mainit. Mas maraming baha, mas maraming tagtuyot.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang climate change din ay maaaring magdala ng extreme temperature events sa ating bansa pagdating ng 2020 at 2050.

Maaaring maging mas madalas ang mga panahon na may temperaturang mas mataas pa sa 35 °C pagdating ng 2020 at 2050.

Ang bilang din ng mga araw na walang ulan ay mas dadami habang ang mas malakas na pag-ulan ay mararanasan sa Luzon at Visayas.

Pakaisipin po natin na ang taong 2020 ay limang taon na lamang mula ngayon, at ang epekto ng climate change ay ramdam na natin sa ngayon. Ito ay isang isyu na mahalaga sa ating lahat dahil apektado nito ang lahat ng aspeto ng ating buhay.

Kailangan magtulung-tulong ng bawat mamamayan, hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Ang climate change ay nagpapakita na lahat tayo ay konektado. Ang pang-aabuso sa kalikasan, kahit pa ginawa sa ibang parte ng mundo, ay may epekto sa atin.

Mismong si Pope Francis, sa kanyang Laudato Si, ay kumikilala sa maaaring maging epekto ng climate change. Ayon sa kanya: “A very solid scientific consensus indicates that we are presently witnessing a disturbing warming of the climatic system. In recent decades this warming has been accompanied by a constant rise in the sea level and, it would appear, by an increase of extreme weather events.”

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)