Ang representante ng San Miguel Beer at PBA board chairman na si Robert Non ang itinalagang interim PBA president at CEO matapos na bumitiw ni Chito Salud.

Ang puwesto ay nabatid na inialok sa 12 miyembro ng board subalit walang gustong mag-take over dito.

“Usually naman in the corporate world, kapag nagbitiw ‘yung president or CEO, ang chairman ang temporary na mag-aasume nung posisyon until a replacement is made,” ang pahayag ng media bureau chief na si Willie Marcial sa PBA website.

Ayon kay Non, ang board ang maghahanap ng itatalagang tagapagmana ng puwesto ni Salud. Si Salud ay bababa sa puwesto hanggang sa matapos ang taon na ito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napilitang tanggapin ng board ang resignasyon ni Salud. “Ayaw niya talaga. Pagbigyan na lang naming siya,” ang nagging pahayag ni Non. (ABS-CBN Sports)