MAY kasabihan ang mga Pilipino na: “Ang punong hitik sa bunga ay tampulan ng pagpukol.” Sa larangan ng pulitika sa Pilipinas na ginagawang almusal, pananghalian, hapunan (at kung minsan nga ay midnight snack), kasalukuyan itong nangyayari sa anak nina Fernando Poe Jr. (FPJ) at Susan Roces na si Sen. Grace Poe.

Sa mga survey ng Social Weather Station at Pulse Asia, laging nangunguna si Amazing Grace kumpara kina Vice President Jejomar Binay at ex-DILG Sec. Mar Roxas. Ngayon, umaarangkada na rin ang palamurang alkalde ng Davao City, si Rodrigo “Digong” Duterte. Gayunman, ang pangunguna ni Digong ay sa Pulse Asia survey sa Metro Manila lamang at 300 tao lamang ang mga tinanong.

May hinala si Sen. Grace na ang nasa likod ng masidhing panggigipit sa kanya upang siya’y madiskuwalipika sa pagtakbo bilang pangulo ay nasa dalawa niyang katunggali, sina Mar at Binay. Siyempre, itinanggi ito ng dalawa.

Katwiran ni Poe na noong siya’y “nililigawan” nina Binay at Mar (kasama pa si PNoy) para maging kandidato nila sa pagka-bise presidente ay walang ganitong kontrobersiya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hindi kailanman napag-usapan ang pagdududa o pagkuwestiyon sa pagiging isang natural-born Filipino citizen at panahon ng kanyang pananatili sa Pilipinas. Atat na atat daw ang dalawa noon, pero nang magdesisyon siyang tumakbo bilang president at katambal si Sen. Chiz Escudero, biglang kinuwestiyon sa Senate Electoral Tribunal (SET) at Comelec ang kanyang citizenship at residency.

Sa kabila ng pagdiskuwalipika sa kanya ng Second Division ng Comelec, hindi nawawalan ng pag-asa si Sen. Poe dahil naniniwala siyang kakatigan siya ng Comelec en banc dahil marami raw dokumento na magpapatunay na sapat ang kanyang paninirahan sa bansa na hindi manlang binasa ng mga miyembro ng Second Division.

Kapag nadiskuwalipika sina Poe at Mayor Digong, ang maglalaban-laban na lamang ay sina Binay at Roxas. Sa puntong ito, malaki ang tsansa na manalo si Binay, at kapag nanalo siya, malamang na malagay sa alanganin si PNoy at baka makulong pa.

By the way, kung sa Pilipinas nangyari ang pamamaril sa isang lugar sa San Bernardino, California na ikinamatay ng 14 na katao at pagkakasugat ng 17 iba pa, tiyak na mata lang natin ang walang latay sa kantiyaw, pagbatikos ng US, Canada at iba pang mga bansa. Sasabihin nilang mapanganib ang ating bansa at agad-agad, mag-iisyu ng travel advisory sa kanilang mga kababayan na iwasang magpunta sa atin. Well, ang Pilipinas pa rin ang ating bansa na dapat itaguyod at mahalin! (BERT DE GUZMAN)