Laro ngayon

The Arena

5 p.m. – Air Force vs Cignal (Spikers’ Turf Game 3)

Dikdikan at walang patid na aksiyon ang inaasahang matutunghayan sa pagtutuos ng Air Force at Cignal sa isang sudden death match para sa kampeonato ng Spikers’ Turf Season 1-Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City ngayong hapon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakauna ang Airmen sa serye matapos gapiin ang HD Spikers sa opener, 25-15, 19-25, 25-19, 25-19, ngunit nakuhang tumabla ng huli nang bawian nito ang una sa Game Two, 25-16, 25-17, 25-18 at maipuwersa ang winner-take-all para sa pioneering men’s volleyball league na inihahatid ng PLDT Home Ultera.

Ganap na ika-5 ng hapon ang salpukan ng dalawang koponan na inaasahan ding magdodobleng effort sa depensa hindi lamang sa atake.

“We really need to improve more on our defense since we’ve been relying too much on our libero (Sandy Montero),” ani Cignal HD coach Michael Carino.

“We’re a bit lousy in Game One that’s why we made some adjustments in our attacks and blocking,” ayon pa kay Carino, na umaasang nakapag adjust sila ng husto sa nagdaang week-long break. (Marivic Awitan)