Ibinaba ng Asian Development Bank (ADB) ang economic growth forecast nito para sa Pilipinas ngayong taon dahil sa mas mababa kaysa inasahang expansion sa third-quarter.

Sa Asian Development Outlook Supplement na inilabas noong Huwebes, ayon sa Manila-based lender na ang bagong growth forecast ay nasa 5.9 porsyento, bahagyang mas mababa kaysa naunang assumption na 6.0 porsyento.

“The growth forecast for the Philippines…in 2015 (is) similarly trimmed to reflect lower-than-expected growth in the third quarter,” ayon sa ADB, binanggit ang 6.0 porsyento sa third-quarter, sinala ang year-to-date expansion nito sa 5.6 porsyento. (Chino Leyco)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji