Daan-daang establisimiyento, na nagtitinda ng mga pekeng diploma at lisensiya sa Recto Avenue at Quezon Boulevard sa Maynila, ang natupok ng apoy kahapon ng umaga, na nataon sa pagdagsa ng mga deboto sa Simbahan ng Quiapo, at nagdulot ng matinding trapiko sa lugar.

Ayon sa mga fire marshall, aabot sa P5 milyon ang ari-ariang naabo sa sunog na nagsimula dakong 9:00 ng umaga.

Dahil mabilis ang paglaki at pagkalat ng apoy, nagdeklara ng general alarm ang Bureau of Fire Protection (BFP) dakong 10:11 ng umaga, dahilan upang rumesponde ang mga bombero mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Sa taya ni Manila Fire Department chief Supt. Jaime Ramirez, mahigit 1,000 pamilya rin ang nawalan ng tirahan sa insidente.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Mayroong 30 preso na inilipat sa Alvarez Police Community Precinct. Inilipat din namin ang ilang dokumento dahil malapit ang sunog sa aming himpilan na gawa sa kahoy at madaling masunog,” ayon naman kay Supt. Jackson Tuliao sa hiwalay na panayam.

Pansamantalang isinara sa mga motorista ang Espana Blvd., kaya naman daan-daang pasahero ang stranded dahil walang makadaan na pampublikong sasakyan.

May anim na indibiduwal ang nagtamo ng galos at nakaranas ng hirap sa paghinga dahil sa makapal na usok.

Isang helicopter ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagsagawa ng “water drop” upang makatulong sa pag-apula sa apoy.

(Jenny F. Manongdo)