Chris copy

SYDNEY (Reuters) – Kinansela ni Chris Brown ang nakatakda tour niya sa Australia at New Zealand nitong Miyerkules, nang hindi maaprubahan ang kanyang visa dahil sa domestic violence laban sa singer na si Rihanna sa United States.

Sa pahayag na inilabas ng mga promoter ng U.S. singer at hip-hop star, kinumpirma ni Brown ang pagkansela niya sa kanyang dalawang concert. Hindi na siya nagbigay ng karagdagang detalye sa kanselasyon.

Inaasahan na ring ang posibilidad na tuluyang nang hindi matuloy ang kanyang tour nang mahirapan si Brown sa pagkuha ng visa para makapagtanghal.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Ayon sa Australian Immigration Minister na si Peter Dutton noong Setyembre, tinanggihan ng kanyang tanggapan na bigyan ng visa si Brown dahil sa mga nangyari sa mga nagdaan niyang concert na siya ay naging bayolente.

Samantala, tumangging magbigay ng komento ang tagapagsalita ni Dutton tungkol sa application process ng visa ni Brown, sinabing ito ay masyadong pribado. Ayon sa New Zealand, boluntaryong binawi ni Brown ang kanyang application.

“Immigration New Zealand can confirm that Chris Brown withdrew his application for a work visa to travel to New Zealand. No decision had been made on the application,” paliwanag ng tagapagsalita ng Immigration New Zealand sa Reuters.

Nagkaroon ng problema si Brown sa pag-iisyu ng kanyang visa noong 2009 nang saktan niya ang dating kasintahan na si Rihanna.

Nakatakda sanang magtanghal si Brown sa Perth, Melbourne, Sydney at Brisbane ngayong Disyembre.