SAN BERNARDINO, Calif./WASHINGTON (Reuters) – Iniimbestigahan ng FBI ang posibilidad na isang “act of terrorism” ang pagpatay ng isang mag-asawa kamakailan sa 14 na katao sa California, ayon sa mga opisyal, sinabing ang babaeng suspek ay sumumpa ng alyansa sa isa sa mga pinuno ng Islamic State (IS).

Napatay din si Tashfeen Malik, 27, tubong Pakistan at mahigit 20 taong tumira sa Saudi Arabia, at asawa niyang isinilang sa Amerika, si Syed Rizwan Farook, 28, sa pakikipagsagupaan sa mga pulis ilan oras matapos ang pag-atake nitong Miyerkules sa isang holiday party sa Inland Regional Center social services agency sa San Bernardino.

Sumumpa si Malik ng alyansa kay IS leader Abu Bakr al-Baghdadi sa isang online post, ayon kay David Bowdich, assistant director ng FBI-Los Angeles.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'