BARBIE copy

AMONG the tween stars ng GMA Network, masuwerte si Barbie Forteza sa projects na natatanggap niya, sa TV man o sa pelikula. Kaya, at her young age, nagagampanan niya ang roles na ibinibigay sa kanya. In fact, inabutan na si Barbie na mag-debut sa set ng longest-running top afternoon prime series na The Half Sisters.

Nagsimula ang kanilang drama series June 2014 na seventeen years old pa lamang si Barbie at last July 31, she turned 18 na hindi pa rin tapos ang show.

“Medyo nalulungkot na nga po kami ng mga kasama ko sa soap namin,” sabi ni Barbie nang dalawin namin sa taping. “Nagpaplano na kami ng Christmas party, pero nalaman po namin na hanggang January 15 next year pa kami. Kaya masaya kaming may work pa kami after Christmas.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa simula pa lamang ng The Half Sisters, madalas na crying scene si Barbie as Diana, kaya kung minsan ay maghapon siyang umiiyak sa taping. Paano niya kinakaya iyon?

“Inom lang po ako nang inom ng tubig, para tuluy-tuloy ang pag-iyak ko at hindi mag-dry ang mata ko. Thankful nga po ako kina Direk Mark Reyes at ngayon kay Direk Gina Alajar dahil tinutulungan nila ako sa mga dramatic scenes ko.”

Biro namin kay Barbie, ang swerte naman niya, dalawang guwapo at matatangkad na actors ang katambal niya, sina Andre Paras at Ruru Madrid. Sino na ba ang nanliligaw sa kanya sa dalawa?

“Naku, nahihirapan nga po akong kaeksena sila dahil ang tataas nila, lagi akong gumagamit ng apple box para naman tumaas ako nang konti. Pero masaya po silang kasama sa set, parehong kenkoy, akala mo lang seryoso sila pero hindi.

Kaya naman kung minsan, mahirap mag-change ng character lalo na kung bago kami mag-take, tawanan kami nang tawanan. Mami-miss ko po iyon.”

Samantala, natapos na ang shooting si Barbie with Nora Aunor ng indie film na Tuos, na nag-location pa sa Iloilo. First time niyang nakasama si Nora na noong una ay inakala niyang masungit dahil tahimik lamang ito, pero masayahin daw pala, hindi mahirap kausapin, nag-open up agad ito sa kanya. Kaya hindi siya nahirapang makipagtrabaho sa superstar na madalas ay binibigyan siya ng tips sa pag-arte. 

Next year ipalalabas sa CineMalaya Film Festival ang Tuos. (NORA CALDERON)