Pinapaaksiyunan sa Office of the Ombudsman ang reklamo ng isang grupong mula sa Mindanao laban sa madalas na pagliban ng mga kongresista sa mga sesyon ng Kongreso.
Ayon sa grupo, sana ay matugunan ng Ombudsman ang kanilang petisyon laban sa mga mambabatas na madalas lumiban sa mga pagdinig.
Sinabi ng grupo na malaki ang kanilang pagkadismaya sa madalas na kawalan ng quorum ng mga kongresista, na nagiging dahilan umano ng pagkakaantala sa pag-usad ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Binanggit pa ng grupo na bukod sa BBL, damay na rin umano sa absenteeism ng mga kongresista ang mga panukalang nabibimbin gayung dapat ay matagal nang napakinabangan ng mamamayan. (ROMMEL TABBAD)