Pormal nang inilabas ng Adidas, ang official on-court apparel provider ng National Basketball Association (NBA), ang mga uniporme at iba pang apparel collection para sa 65th NBA All-Star Game na gaganapin sa Pebrero 14 sa Toronto.
May disenyo ang mga uniporme na may kinalaman sa mga elementong kilala at matatagpuan lamang sa bansang Canada bilang pagbibigay halaga sa NBA history ng Toronto gayundin sa mga basketball fans dito.
“This is the first NBA All-Star Game to be played outside the United States, and it is a very exciting time for basketball in Canada,” pahayag ni Chris Grancio, ang Adidas global basketball general manager. “To honor this global celebration and pay tribute to Toronto – the site of the NBA’s first game – we’ve incorporated design elements that are inspired by the city’s basketball history, sports culture and unique fashion scene to make an All-Star collection that players and fans will love.”
Ang red-and-white Western Conference at white-and-blue Eastern Conference uniforms ay mayroong maple leaf sa harap bilang tribute sa national symbol ng Canada, an gang Toronto cityscape ay makikita naman sa likuran na kumakatawan sa host city.
Ginamitan din ito ang malinis at single-layered fonts na gamit noong unang naglaro ang NBA sa Toronto noong Nobyembre 1, 1946, sa pagitan ng Toronto Huskies at New York Knickerbockers.
Mayroon ding star patch na nag-uugnay sa maple leaf at NBA logo sa itaas na bahagi ng likuran ng uniporme habang ang black-and-gold jock tags na tanda ng Toronto Raptors alternate team colors at claw logo ay makikita sa neck liner at shorts.
Lahat ng NBA All-Star jerseys,gayundin ang iba pang mga NBA All-Star apparel gaya ng adult at youth T-shirts, adult track jackets at headwear ay mabibili sa NBAStore.com at sa mga NBA Store sa Glorietta at Mega Fashion Hall at piling mga Adidas Stores sa Enero.