TOKYO, Japan (AFP) — Ilulunsad ng isang kumpanyang Japanese ang inilarawan nitong world’s first smartphone na maaaring hugasan ng sabon at tubig.
Ilang taon nang nasa merkado ang waterproof smartphone. Ngunit, sinabi ng telecom company na KDDI na ang kanyang bagong “Digno rafre” phone —ilulunsad sa Japan sa susunod na linggo — ay natatangi na maaaring hugasan ng sabon at tubig.
“Our development team washed the smartphone more than 700 times to test its durability,” sabi ng tagapagsalita ng kumpanya.
Ang smartphone ay nagkakahalaga ng 21,600 yen ($175), ayon sa isang KDDI spokesman. Sa ngayon ay isang uri lamang ng sabon ang maaaring gamitin sa device na ipagbibili pa lamang sa Japan.