Kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Metro Rail Transit 3 (MRT3) General Manager Al Vitangcol III at limang incorporator ng Philippine Trans Rail Management and Services Corporation (PH Trams) bunsod ng umano’y maanomalyang maintenance contract para sa MRT3.

Kasamang kinasuhan ni Vitangcol sina Wilson De Vera, Marlo de la Cruz, Manolo Maralit, Federico Remo, at Arturo Soriano, ngayo’y provincial accountant ng Pangasinan.

Sinabi ng Ombudsman na nagkutsabahan ang mga akusado upang maipagkaloob ang MRT3 contract sa PH Trams-CB&T joint venture.

Ayon sa Ombudsman, inabuso ni Vitangcol ang kanyang kapangyarihan bilang general manager/chief end-user, head ng negotiating team, miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) upang mamaniobra ang kontrata sa pinapaborang kontratista na si Soriano, tiyuhin ni Vitangcol.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang maintenance agreement ay pinasok noong Disyembre 1997 sa pagitan ng MRT Corporation (MRTC) at Sumitomo Corporation para sa maayos at ligtas na operasyon ng MRT.

Ang original maintenance agreement ay napaso noong Hunyo 21, 2010 subalit pinalawig nang apat na beses mula Hunyo 2010 hanggang Oktubre 2012. (Jun Fabon)