NEW DELHI (AP) — Sinalanta ng pinakamalakas na ulan sa loob ng mahigit 100 taon ang mga lugar sa katimogang estado ng Tamil Nadu, at libu-libo ang napilitang lumikas sa kanilang mga lumubog na tirahan at eskuwelahan, habang isinara ang mga opisina at ang paliparan sa rehiyon sa ikalawang araw noong Huwebes.

May 269 katao na ang namatay sa estado simula nitong Nobyembre, sinabi ni India Home Minister Rajnath Singh.

Nakatanggap ang state capital Chennai ng mahigit 330 millimeters (13 inches) ng ulan sa nakalipas na 24 oras noong Miyerkules, na mas malaki kaysa regional average para sa buong buwan ng Disyembre, ani Singh.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture