Hiniling ng isang mambabatas mula sa Pangasinan na imbestigahan ng House Committee on Transportation and Communications kung bakit itinigil ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR).

Nais ding malaman ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil kung maaari pang maayos ang PNR at maibalik ang operasyon nito sa hilaga.

Sa House Resolution 2471, binanggit niya na dating tumatakbo ang PNR sa Hilagang Luzon, dinaraanan ang Bulacan, Pampanga, Tarlac at Pangasinan, hanggang sa huling terminal nito sa San Fernando, La Union.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ayon sa kanya, ang operasyon ng PNR ay nagpatuloy hanggang noong panahon ni dating Pangulong Marcos, subalit sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang itong nahinto.

“The people of North Luzon are in dire need of a mass railway transportation system in the same way, if not more, than the residents of South Luzon,” ani Bataoil. (Bert de Guzman)