Stephen Curry, Kemba Walker

Golden State Warriors.

Umiskor si Stephen Curry ng kabuuang 40-puntos sa tatlong yugto lamang upang muling itulak ang nagtatanggol na kampeon na Golden State Warriors sa pagpapalasap ng kabiguan sa Charlotte Hornets, 116-99, noong Miyerkules ng gabi, upang panatilihin ang perpektong rekord sa pagsisimula ng kasaysayan NBA na 20-0.

Tila pagbibigay-pugay sa gabi ng parangal na iginawad ng Hornets sa ama nito na si Dell Curry bilang career scoring leader ng Charlotte, ipinakita naman ng pinakamatanda nitong anak ang dating ginagawa sa pag-agaw sa eksena sa pagpasok ng 14 sa 18 nitong tira sa field at nag-iinit na 8 for 11 mula sa 3-point range.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Si Stephen Curry, na lumaki sa Charlotte at nakilala sa kalapit na Davidson College, ay umiskor ng kabuuang 28-puntos sa ikatlong yugto.

Nagtala ito ng 10 of 11 shots mula sa field, kabilang ang limang 3s na halos malayo sa linya at mismong sa harap ng kanyang bantay upang tulungan ang Warriors na ipundar ang 21-puntos na abante sa laban na nasaksihan ng 19,542 manonood.

Nanatili ang Golden State bilang numero uno sa Western Conference sa bitbit na team win-loss record 20–0 habang nahulog ang Charlotte sa ika-9 sa Eastern Conference na team record 10–8 panalo-talo.

Samantala, matapos itala ang kanilang unang panalo ay sinuspinde naman ng Philadelphia 76ers ang rookie nito na si Jahlil Okafor sa dalawang laro matapos lumabas ang ikalawang video na nagbibigay detalye sa pakikipag-away nito sa Boston na hindi nito sinabi sa koponan.

Inihayag ni Sixers coach Brett Brown na nais ipakita ng pamunuan ang ‘’tough love’’ kay Okafor matapos masorpresa mismo sa nakitang bagong video na inilabas ng TMZ.

‘’I think that if lessons are to be learned and this 19-year-old young man has to learn the responsibility of wearing a 76er uniform and carrying an NBA logo, and it has to be done in the magnitude and the national media spotlight as it has been delivered to make our point, then I say that’s not a bad thing,’’ sabi ni Brown bago hinarap ng 76ers ang kalabang New York Knicks.

‘’Let’s make our point. It is hard love. There have been mistakes that have been made, he does own it,’’ sabi nito.

‘’Nobody’s proud of this right now and so we will support him, he’s ours and we will move on.’’

Nakita sa ikalawang video si Okafor na nakikipag-away sa Boston sa gabi ng pagkatalo nito sa Celtics.

Humingi naman ng paumanhin ang 19-anyos na rookie sa kanyang naging pag-uugali bagaman sinabi nito na naganap ang insidente matapos nitong respondehan ang isang nang-iinis na fan. (ANGIE OREDO)